![]() |
|
The Blogger
![]() Hello. The blogger's name is Arvin. He is 15 and gonna be a year older in about a month. He loves 3 Fs. Food. Fashion. Fotography. Haha. :)) Kidding. I'm afraid that's all ye need to know. :D The Chatters
The LINKS
The Queen Bee ◄ Ma'am Faylogna ◄ Mrs. Cullen ◄ Pareng Jeremae ◄ Sexy Young Actress ◄ Isabog ◄ Xyra Ianne ◄ The ARCHIVES
The Other Sites
The So-Called ETC
![]() WebCounter.com Many Thanks
TinyPic ◄
|
Monday, April 20, 2009
DATE
nung friday ay nagdate kami ni imman. hahahaha. di kasi sumama ung ibang mga niyaya namen so kami nlng dalawa ang umalis. nagkita kami sa may paradahan ng tricycle sa may imus. haha. tapos sumakay ng Jasper Jean na bus papuntang SM Fairview. pero di kami dun pumunta. haha. sa ayala kami bumaba kasi sa Glorietta kami pupunta eh. aun. ang una naming ginawa ay maghanap ng makakainan. so ikot to the max kami. tapos un sabi ko sa japanese resto nlng or kenny roger's eh nakita niya ung shakey's so dun nlng kami. may malagim pa ngang insidente between me and one of their staffs. pero wag na un. nakakairita lang. hehe. magkano ba bill namen dun? mga 300 something- 400 ata. pwede na rin. keri na. haha. nabusog naman ako. tapos un ikot ikot sa mga stores sa glo. then pumunta kami sa very immaculate Greenbelt 4 at dumaan sa mga designer's stores. =)) DAAN lang. di kami nagbalak na pumasok. haha. kahiya naman. unang store na tumambad samen Prada. tapos Charriol, 105 designer's blvd[?], Jimmy Choo, Bulgari, Hugo Boss Bottega Venetta[?], Louis Vuitton, Marc Jacobs, Tod's, Salvatore Ferragamo, Burberry, at Gucci. Haha. dumaan lang kami tas nagCR dun =)). ganda kaya ng cr dun. ang bango pa. haha. tapos umakyat kami at pumunta sa Powerbooks para magbasa. siya nagbasa ng book ako local and foreign mags lang. haha. machika. ahm. tapos aun. tawa kami ng tawa kasi ung powerbooks dun ginagawa nang pahingahan ng mga tao. =)) may mga nananaginip na sa sobang himbing ng tulog. ung isa nahulog na sa kamay ung libro. ung isa nakatakip sa mukha ung libro habang natutulog. lahat na. :)) mga isang oras mahigit kami dun. tapos pumunta na kami ng landmark at nagtingin2 ulit. meron naman akong nakitang mgaganda at todo fit pako ng kung ano2. kahit di naman ako bibili. HAHAHAHA. feeling ko nga nahihiya si imman para saken eh. eh bakit ba. porket ba ginamit ung fitting room at nagsukat ibig sabihen bibili na. di naman diba. [pero di ko rin xa masisi kasi ako lang magisa ung nagfifit dun. =))] aun. tapos bumili ako ng big chill [mango+banana] na shake tapos un. hinatid ko xa sa MRT [sa malate xa uuwi eh] tapos umuwi nako. [cavite] nakatayo pa nga ako sa bus eh kaya mejo nainis ako. sobrang tumakbo pako para lang mahabol ung bus para lang malaman na punuan na pala. bwiset. pero aun. masaya naman ang araw. pag uwi ko pagod ako. pero pagkakain badminton na naman ako from 8-11 ng gabi. o diba. taray. HAHAHA. =)) un na muna ulit.
Now Playing: Against All Odds- MC
Sunday, April 12, 2009
penitensya
okay. ikukwento ko kung ano ang mga nangyari sa akin sa mga nakaraang araw. haha.
nung friday, pumunta kami sa Makati. tlgang dumayo pa kami dun para lang magprusisyon. oh ikaw nagprusisyon ka ba? yak hnde. haha. mahiya ka oi! :)) so lakad lakad lang. pero mejo maikli lang naman ung nilakad ko e. mga 2-3 kilometers lang. so ok na un. di nga natuloy ung pagsama ko sa alay lakad eh kasi nawalan ako bigla ng gana. ung close friend ko na sumama minalas nga eh. natapilok daw kasi xa sa may flyover sa pasig tapos daw nagkaron xa ng malaking sugat sa binti na sa pagkakadescribe nia ang nilalangaw-langaw pa. HAHAHA. =)) grabe. tapos kahapon naman, [Black Saturday] ay nagsimba ako with my neighborhoodies na si Mark at John Ver. 8:00 ung start tapos 10 na natapos. grabe. di ko kinaya ang katagalan. may mga kandila effect pa kasi sila dun eh. hahaha. aun. tapos may mga 5 pa ata na pagbasa. pero aus lang naman. it's for the good naman eh. oha. haha. tapos nagministop kami sa may citta at kumain ng ice cream. tapos naglakad nlng pauwi. tapos aun tambay for mga 1 hour tapos mga 11:30 [ng gabi] pumasok na kami. tinamad nako magPC so diretso nako sa kwarto. di nga ako makatulog eh. mga 1 nako natulog tapos 7:30 ako gumising kanina kasi may aattendan akong binyag. magnininong ako dun sa kapatid ng tito ko. aus lang naman saken. punta lang sa Guadalupe Church tapos sa bahay nila [reception] tapos umuwi na rin agad. grabe. ang init init ng panahon ngayon. nakakatamad umalis. haha. tapos pagdating ko dito kumain ulit ako. then binuksan na ng PC. tapos aun Facebook na, WMP, Friendster, Mariah Daily Journal [hahaha], tapos naruto central. un lang ung mga site na lagi kong vinivisit eh. tapos ginawa ko na tong post na to. un lang. haha. meron akong plans for tomorrow. next time ko nlng kwento kpag nangyari na. oha. :)) Listening to: Vision of Love - MC
Wednesday, April 8, 2009
the ultimate comeback
ayun na nga. muling buhayin ang aking blog. ganda ganda ng layout ko eh. hahaha! joke. yabang. o cge na mayabang na. kesa naman mairita ka jan eh tawanan mo nlng. kei? haha. nagsisipag sipagan na naman ako. sana magtuloy tuloy na ito. haha. kasi meron kaya akong starbucks 2009 journal na dapat ay nilalagyan ko ng entry everyday pero ni hndi pa ako nakakaisang buwan dun. hahaha! :)) so sana hnde maging ganun dito. aun na nga. bago lahat. pati friendster ko bago. well. haha. kulang nga lang ng hide codes. alam mo ba kung san? cge turuan moko. hehe. so anu nga bang meron ngaun? wala naman. maundy thursday na ngayon [ganun na din un 11:30 na naman ng gabi e]. kailangan magpenitensiya. bukas ay tatangkain kong sumama sa alay lakad papuntang antipolo. as in makati city fort bonifacio [bahay ng lola ko] papuntang antipolo church ng maglalakad lang. wag ka ha. natry ko na yan ng isang beses ha. at totoo nga ang sabi nila. kahit na nakatsinelas ka ay dudumi pa din ang talampakan mo pagdating mo sa tuktok ng bundok. o diba. kakaiba. so matatawag na natin un na milagro. oh yeah. HAHAHA. pota. tama na. so eto na nga ang aking mahiwagang pagbabalik. HAHA. mgandang gabi yow. :D
Saturday, January 10, 2009
FRIENDSHIP
hay. may problema ang franklin ngaun ngaun lang. haha. pero di naman na xa ganun kalaking issue. pero may gusto lang akong sabihen. hehe.
kasi ganito. xempre mejo malaking kasalanan ung nangyari. so mejo malaki kaparusahan dun. ang hindi ko lang nagustuhan dun, hindi umamin ung mga may sala. so ang nangyari, lahat ng boys nacall parent. [except buri and ubas] sa tingin ko tlga hindi tama un, kasi di naman tlga ako/ung iba rin involved dun. so bakit kailangan pati kami damay? i mean, ang unfair. di naman sa galit ako or what. naiirita lang. kasi kung ako ung nasa place niyo, aamin ako agad. kasi mahihiya ako sa mga madadamay. eh ung nangyari kasi, sa girls lang sila nahiya. pero ung ibang nadamay parang ok nlng din sa kanila. sana naman may paki rin kayo samin. kasi alam niyo namang wala naman tlga kaming kinalaman jan. sa mga panahon tlga ng kagipitan, jan lalabas ung mga totoong kulay ng kaibigan mo. ni hindi man lang ako nakarinig ng pasensya na sa kanila. un lang naman ung iniintay ko e. ung may magsorry samen. ang lumalabas kasi, wala lang samen ung mga nangyari kasi nga naman parang brotherhood kami ganian so sama sama. pero wala eh. wala akong narinig. anu ba un. nakakasama tlga ng loob sobra. sa lagay ba na to ako pa ung masama? eh di na nga lang ako umimik at di ko nlng pinakita na naiinis ako kasi nga naman wala namang magagawa un. sana lang next time kung may kalokohan kayong gagawin tapos nadamay kaming mga kaibigan niyo, matuto naman kayong mahiya samen. sabihen niyo man lang sana kaming mga di tlga kasali. naghuhugas kamay ba ako? hinde boi. wala nmn kasi tlga akong kinalaman dun. alam niu naman un. kahit sila jeff romill at iba pa. so unfair lang tlga. ung pagpapacall parent na un malaking bagay na un. kaya di maiwasang sumama ung loob ko. kami nagagawa namen kayong pagtakpan sa mga ginagawa niyo. di nlng rin kami nagsasalita. inaantay na lang namen na kayo ang umamin bilang tulong na rin sa inyo. di namen kayo nilaglag. so sana naman kapag kami na ung maaargabyado, kaming mga walang kinalaman jan, sana man lang ibalik niu ung pabor na binigay namen. ung pananahimik namen. sana ibalik niu un sa pamamagitan ng pagsasabing wala tlga kaming kinalaman dun at di kami tlga kasali. un lang naman. may masama ba don? eh totoo naman un. kami naaawa kami sa inyo kaya nanahimik nlng kami. sana kayo rin maawa sameng mga inosente na ndadamay. un lang naman. masama ba ako sa lagay na to? d naman diba? sinasabi ko lang ung saloobin ko. nagsasalita nmn ako ng maayos. un lang naman. pinatunayan naming mga tunay kaming kaibigan sa pamamagitan ng pananahimik na lang. sana kayo ganun din. patunayan niyong totoo kayong kaibigan sa pamamagitan ng di pagdamay samen sa gulo na dapat naman tlga. un lang po ang gusto ko. wala namang masama dun diba? di naman sa masama akong kaibigan boi. intindihin niu rin kami. di lang ung mga sarili niyo. sa girls kasi nahiya kayo baka madamay sila sana samen din ganun. un lang. alam ko mahirap yang kalagayan niyo. tama diba? un ung nasa isip niyo. eh panu naman kami? mapaparusahan ng walang ginawa? anung sasabihen namen sa mga magulang namen kung tinanong kung bakit kami call parent? kasi tumayo kami sa labas ng cr? [well, in my case umupo]. diba. so alam naming nalulungkot kayo natatakot kayo pero boi kami rin ganun. di lang kayo. so kung tunay kang kaibigan, intindihin mo rin kami. di lang sarili mo. no hard feelings. intindihan lang. naglabas lang ako ng sama ng loob. pero wala na to saken. nangyari na eh. may magagawa pa ba ako? sorry kung mejo nakakasakit, gusto ko lang lumuwag pakiramdam ko. di namen kayo nilaglag, bilang ganti wag niyo kami idamay. *nagdate kami ng pareng jeremae kanina. hahaha. ang saya. salamat boi. tnx sa pagsama mo saken. naappreciate ko un. :D [mejo awkward nga lang kami kanina, pareho kasi kaming lalake e. hahahahaha! kidding. ^^] |
![]() |