<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4738627683586105589?origin\x3dhttp://wishingyouknew.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
The Blogger

Hello. The blogger's name is Arvin. He is 15 and gonna be a year older in about a month. He loves 3 Fs. Food. Fashion. Fotography. Haha. :)) Kidding. I'm afraid that's all ye need to know. :D


The Chatters


The LINKS


The ARCHIVES


The Other Sites


The So-Called ETC


Many Thanks

TinyPic ◄
[for uploads]
Adobe Photoshop 7.0 ◄
[for the editing]
Paulalaloca ◄

[for the header and footer image]

Sunday, November 30, 2008
FUNFUNFUN!

FRIDAY


wala kami maxadong ginawa sa skul. kasi may program sa english ekek. aun. ok na. haha. nung hapon naman, nagkaron kami ng open forum tungkol nga dun sa issue sa franklin. naging matagumpay naman ang pagtukoy sa kung sino ang nagsumbong, napakalakas ng ebidensya laban sa kanya. hayaan na kung sino man ung nagsumbong na yan. di man nia aminin, alam na namin. nakakapagtaka nga lang kasi iba ung pagkakakwento niya dun sa isa pa naming klasmeyt sa totoong nangyari. nadawit pa nga ung teacher namin sa adchem kasi sinasabing siya raw ung nagsumbong. eh kinausap xa nung klasmeyt naming malapit sa kanya tungkol dun at ang sabi niya wala siyang alam dun sa mga taong involved. ni hindi nia nga alam mga pangalan nun. ang alam lang daw nia ay si imman na super late dumating. bakit ganun? taliwas ung sinabi mo sa totoong nangyari? anung ibig sabihen nun? kung alam mong ikaw un at nababasa mo to, goodluck sayo. alam na namin ang totoo. wag mo na kasing ideny. huling-huli ka na eh. lahat naman tayo nagsisinungaling eh. kahit ako. DIBA? ang pagkakaiba nga lang naten, ako umaain kpag huli na. ikaw, no comment. sana inamin mo na lang at nagsorry ka, odi tinanggap pa nila. so much for that. tapos na naman ung issue. wala mang umamin, kami na mismo ang nagsara sa issue na to. kasi alam naman na namin ang katotohanan. :)

after ng open forum, excited na excited nakong pumunta sa bahay nila Miggy. mag-oovernyt kasi kami sa kanila eh. haha. kaso lang may date pa sila ni Pat, kaya 5:30 pa kami pupunta. umuwi si JA sa bahay nila para kumuha ng gamit, si Jaycee naman hinatid si Ivonny. so kaming dalawa nlng ni Dan ung natira. wala naman kaming ibang mapupuntahan kundi sa Rob lang at magpalipas ng oras. nagdate kaming dalawa ni Dan. HAHAHA. pagpunta namen ng Rob may naabutan kaming mga Coper na andun sa entrance, so natakot kami baka hindi rin kami papasukin. sabi pa nga nung isa sa kanila "Ang tapang ah." saka nung isa pa " 'Di kayo papapasukin jan." sorry na lang sila kasi we emerged victorious, HAHA. pinapasok kami. tapos tinanong pa daw si Dan nung guard kung college na xa sabi nia oo. HAHAHA. ako naman dire-diretso lang. mukha na naman kaming mga college no. kaya pwede kaming pumasok dun anytime. nagpowerbooks lang kami ni dan. as in ang tagal namen dun. haha. siya nagbabasa ng book tungkol sa mga superstitious beliefs ako naman magazine tungkol sa hollywood news. haha.mga dalawang oras kami dun tapos un pumunta na kami kila miggy. pagdating namen dun andun na rin si Jaycee. wala pa si pao kaya nag-antay muna kami sa labas for a while tapos dumating na rin naman agad si miggy. tapos andun na kami sa loob ng bahay nila. HAHA. mejo late na nga dumating si JA pero he made it. hehe. kung ano man ang mga sumunod na nangyari, amin nlng un. oha. haha. :P


SATURDAY

mga 4 nako nakatulog. pero sa lagay na un ako pa ung pinakaunang natulog. hahaha. mga 7 may malay nako nun. pero nakapikit pa rin. tapos 9 tumayo nako at naghilamos. nung nagising ako nagising na rin silang lahat. nagcocomputer ako tapos si Jaycee at JA nagpps tapos si Dan nagppsp. hahaha. mga 10:45 di pa rin sila tumitigil sa paglalaro grabe. haha. parang di sila pupunta sa skul. kuhaan kasi ng card nun. nahiya naman ako sa nanay ko kasi baka pag-antayin ko pa xa kaya nauna nakong maligo at umalis sa kanila. daya nga eh kasi kumain pa raw sila dun bago umalis. haha. so aun na. heto ang aking mga grades.

|subject[teacher]|1st grading grade|2nd grading grade|

Physics[Mam Katipunan]|85|89|
Math[Mam Diaz]|84|87|
English[Mam Erencio]|88|90|
Filipino[Mam D]|92|90
Economics[Mam Jacob]|87|90|
TLE[Sir Bangayan]|85|87
MAPEH[Mam Carlos]|87|90|
Homeroom[Sir Bangayan]|88|89|
Advanced Chemistry[Sir Derez]|85|89|
Computer Science[Mam Aniban]|84|91|
Finite Math[Mam Gallardo]|86|85|
Humanities[Sir Yu]|90|90|

di mataas grades ko. bakit ba. haha. at least may progress. oha. hahaha. panalo tlga grade ko sa comsci. from 84-91. 7 points yan boi. HAHAHA.

so aun na. nung umalis ako kila pao xempre di ko pa dala gamit ko. bakit? kasi babalik pa kami dun. HAHAHA. after nung kuhaan ng card, nilibre ako ng nanay ko sa mcdo. tapos binigyan pako ng pera. hahaha. baet no? tapos pumunta ako ng Rob kasi andun sila Dan at Jaycee. si JA ewan ko kung san pumunta pero sumunod din xa. haha. nagGBOX kami with Ivonny, Ellaine, my Hon Velina, saka si Sexy Young Actress. haha. mga 1 hour lang siguro kami dun tapos bumalik kami ng skul kasi andun si pao at pat at susunduin kami ng kotse nila miggy dun. oha. haha. aun tas bumalik na kami sa bahay nila with pat. naglaro kami ni Dan ng Naruto. galit na galit nga ako eh kasi talo ako lagi. hahaha. tapos aun na.

natripan ni Jaycee mag Y8 tapos sabi nia laro daw ako Deal or No Deal. haha. ako daw ung player tapos xa si Kris. hahahaha. so aun. 19 ung pinili kong briefcase. wala lang. haha. tapos aun todo drama kami tlgang feel na feel namen ung paglalaro. HAHA. kunyari pa merong help from the family ganian. tapos kunyari nagtatanong pako "ano deal na?" HAHAHAHA. masaya xa. everytime na may mataas na lumalabas, sigawan kami. hahahaha. tapos aun na moment of truth na. ang natitira na lang $300 saka $1,000,000. nakakakaba kaya. pramis. tapos ung offer ni banker $500,000. so kunyari naiiyak nako. HAHAHA. pero aun nag nodeal pa rin ako tapos $1,000,000 ung laman nung case ko. HAHAHA. grabe. nakakagulat at nakakatuwa tlga. di ko inexpect na mananalo ako nun kahit sa laro lang. kung kayo un matutuwa rin kayo. haha. sana nga sa totoong buhay nlng nangyari un. XD

after nun kumain n kami. tapos nagstay saglit. tapos umuwi na ng mga 8:30. haha. si Dan kasi pinapagalitan na eh. haha. aun. si Jaycee at JA sabay umuwi. tapos kami naman ni Dan sabay. nagLRT kami. di ako nakasakay sa taft kasi punuan na eh. haha. aun. tapos nung ako nlng mag-isa para nakong emo kasi ang damidami kong dala tapos nakaupo pako habang nakapila sa terminal. mga 30 mins ako dun sa terminal bago may dumating na bus. sa may likuran nako nakaupo nun. haha. tapos aun odi antok na antok ako sa sobrang pagod at puyat. buti nlng napakabait nung lalaking katabi ko. alam niya kasi kung san ako bababa. kasi narinig nia nung nagbayad ako. ginising niya ako nung malapit nako bumaba. haha. baet tlga. tulog pa tlga diwa ko nun kaya di ko alam kung nasan nako.

i arrived home 11. haha. wala namang nagalit saken. XD

SUNDAY

12 nako nagising. 12 hours tulog ko. hahahaha. XD pagkagising ko kain agad tapos harap sa pc na to hanggang ngayong oras, 6 ng gabi. haha. anu ginawa ko? wla lang. nag-edit ng pics para sa Deviantart ko. un lang. tapos nanood. tapos nakinig. tapos nagdownload ng kanta. un lang. di pa nga ako naliligo eh. teka lang ah. ligo muna ako. ang haba na netong post ko grabe. HAHAHA. pambawi lang. ^^

Currently Listening to: Fantasy- MC

Thursday, November 27, 2008
TWILIGHT

WEDNESDAY

kagabi nanuod ako ng twilight with Mantaring Family. haha. nanuod kami sa MOA. maganda ung movie para saken, pero para kay raissa hindi ewan ko kung bakit. feeling ko kasi kaya ako nagandahan kasi di ko naman nabasa ung book, so hindi ko alam ung mga flaws nung movie eh xa nabasa niya na kaya siguro mejo di xa nagandahan. ung mga kilig scenes dun kasi alam na niya kaya mejo di umepek sa kanya. eh saken wala naman akong kaclueclue kung ano mga mangyayari kaya kinilig tlga ako. haha. ang landi. habang nanunuod ako inimagine ko kami un ni ano. kaya after nung movie mejo natutulala lang ako kasi nga kung ano ano nang naisip ko tungkol samin ni ano. inimagine ko na kami ung chars dun. HAHAHA. ang landi amp. pero promise nakakakilig tlga. parang ang adik ni edward kay bella. meron pa ngang love scene dun eh pero di natuloy. haha. tumalsik bigla si edward ewan ko kung bakit. so tama na ang pagspoil. HAHA. ah basta. nagandahan ako sa kanya. pero xempre walang tatalo sa HARRY POTTER and the DEATHLY HALLOWS sa puso ko. oha. speaking of HPatDH, hoy landot ibalik mo na saken ung libro ko walangya ka isang taon na ata nasayo un.

TODAY

nakakairita ang araw na to. im really very sorry for my friends [you know who you are] kasi meron silang malaking problema ngaun. di ko na babanggitin kung ano. kung sakin nangyari un, baka napatay ko na kung sino man ung hinayupak na may kagagawan nun. para saken, mas importante ang pagiging isang tunay na kaibigan kesa sa pagsunod sa mga patakaran ng paaralan. nakakagulat lang kasi kung sino ka mang may kagagawan nito, bakit mo kailangang gawin un? wala namang sinabi ung teacher na gawin mo un. wala naman siyang hinanap [as in ung tinanong kung nasan at kung ano2 pa]. bakit talagang todo effort ka sa pagsumbong? anong klaseng kaibigan/kaklase ka? never mo bang nagawa ung ginawa nila? sa tingin mo ba kung ikaw gumawa nun isusumbong ka nila [todo effort pa ha]? grabe. sana, bago mo un ginawa kinausap mo muna ung mga kaibigan ko ng masinsinan, takutin mo kung kinakailangan. MATAPANG ka naman eh diba? para di na sila umulit. eh ikaw diretso ka agad sa adviser eh parang di mo naman un kilala. sa ginawa mo ba may na-achieve ka? may napatunayan ka ba? sumaya ka ba? nwalan ka ba ng tinik jan sa kalooban mo? oh well, goodluck na lang sa ginawa mo. sana naging mas MABUTI kang tao at sana may napatunayan ka sa pagkatao at sa posisyon mo dahil dun. ang Diyos na ang bahalang humusga at magbigay hustisya. :) God Bless na lang sayo. :D

para naman sa mga pinakamamahal kong kaibigan, ang KATOTOHANAN na lang ang maitutulong ko sa inyo. ang KATOTOHANAN na lang ang masasabi ko sa inyo para naman malaman niyo kung ano ba ang nangyari at sino ba talaga ang nagsumbong. karapatan niyo namang malaman kung sino un at hindi ko un ipagdadamot sa inyo. :) ALAM NA.

eto pa isa. meron akong nabalitaang nag-aaway na mga kaibigan ko. kung may away kayo, kayo lang dapat. dapat walang nakikiEPAL. kasali ka ba? bakit nakikiEXTRA ka? kapag nalaman ko lang talaga na may nakisali jan na hindi naman dapat nako. BASAHIN MO HANGGANG DULO POST KO BAGO KA GUMAWA NG KILOS. grabe. ang tapang mo maxado boi. kapag nakisali ka ba sa away ng iba may makukuha ka? ahh alam ko na. gusto mo ung feeling na parang satisfied ka kasi may naaapakan kang tao at nagmumukha kang matapang sa ibang tao. parang "wow si ano oh, grabe ang tapang. nakakatakot naman xa. sa lahat ng pwede kong maging kaaway xa ung pinakamatindi. nakakatakot tlga." kung sa tingin mo man napakaganda ng impression na yan, well, speak for yourself.

when judgment day comes, jan mo lang pagsisisihan lahat ng pinaggagagawa mo. dun mo lang maiisip ang mga kamaliang ginawa mo. masasabi mo sa sarili mo na,

|"bakit ko ba xa ginanun eh ni hindi na nga ako inaano/pinapansin nung tao?"|

|"wala nga naman akong makukuha kung gagawin ko un, bakit ko pa ba ginawa?"|

alam mo na ngang kasalanan un, gagawin mo pa rin. alam mo na ngang wala kang makukuha at mapapatunayan kapag ginawa mo, gagawin mo pa rin. kaya kung ako sayo, di nako makikisali sa away ng iba. wag mong sirain buhay mo. isipin mo muna mga pwedeng mangyari at epekto nun sayo bago mo gawin. anu pang silbi ng pagsisimba mo tuwing linggo kung ganian rin lang naman ang gagawin mo? mag-isip ka nga.

ano galit ka dahil sa mga pinagsasasabi ko? kasi totoo mga sinabi ko? tanungin mo nga muna yang sarili mo kung dapat mo bang ikagalit yang mga nabasa mo. sinabi ko ba yan para sirain ka? sinabi ko ba yan para lumala ung gulo? MAG-ISIP KA.

kung nagets mo naman kung ano ang dapat mong maging reaction [ung TAMANG reaksiyon] tungkol sa mga sinabi ko, odi maganda. ibig sabihen malawak pang-unawa mo. di ko sinulat yang mga bagay na yan para ikagalit mo. sinulat ko yan para mamulat ka sa nangyayari sa pagkatao mo ngayon. gaya pa rin ako ng dati. kahit papano may paki pa rin ako sayo at gusto kong maging mas mabuti kang tao. humingi ka ng sorry sa Kanya. at wag mo nang dagdagan pa ang mga kamalian/kasalanan mo.

kapag may nalaman lang tlga akong nakisali jan sa away na yan na hindi naman dapat nako. talagang ipagtatanggol ko kaibigan ko. kung ikaw nasa posisyon ko, siguro ganun din gagawin mo. di naman kasi tama ung ginagawa mo. buti ba kung inaaway ka nung kaibigan ko eh. eh hindi ka na nga pinapansin/tinitignan or what gaganunin mo pa. anu ba?! WALA KANG MAKUKUHA DUN. PRAMIS. MAG-AAKSAYA KA LANG NG PAGOD KAYA WAG MO NA GAWIN. HAYAAN MO NA LANG SILA.

magdasal ka na lang at humingi ng tawad sa mga kasalanan mo. at least dun may makukuha ka pa. para san pa't nagsisimba ka kung gaganunin mo kapwa mo. diba? payong kaibigan lang. WAG MONG MASAMAIN. after mo basahin post ko, PRAY. that's it. may nakuha ka na, may napatunayan ka pa sa sarili mo, mas naging mabuti ka pang tao. O DIBA?

AMEN. :)

Saturday, November 22, 2008
BWISIT NA SMARTBRO

nakakainis yan smartbro na yan. ayaw kumonek kahapon. di tuloy ako nakapagpost. pero hinanda ko na naman ang ilalagay ko eh. HAHAHA. tinype ko na sa notepad. :))

THURSDAY|FRIDAY

anu bang ginawa namen nung thursday? teka. sa english, discussion lang ata about dun sa most dangerous game. kahapon ganun lang din. sa physics, nagquiz kami nung thurs. 8/10 ako. HAHA. kahit mali ung drawing ko dun, nilagyan ko pa rin ng 1 point. HAHA. kaya mataas ako. dapat 7 lang. yaan mo na. saktuhang pandaraya lang naman eh. HAHAHAHA. kahapon, tinignan grades namen. ayun feeling ko ok nmn grades ko. wala pa kasi ung final kaya ung components lang ung nakita ko. sa adchem, wala kaming meeting nung thurs at fri. HAHA. jusko po. sa TLE, task na naman nung thurs, tapos no meeting kahapon. sa math, discussion lang ulit tapos wala meeting kahapon. nung lunch nung thurs, nagsisi ako sa binili kong ADOBO na 555 tuna. haha. ampanget pala ng lasa nun. haha. kahapon breakfast lang eh. hotdog|egg|1 1/2 rice [diet kasi. haha. jk~]. mapeh. wala kaming meeting this whole week, alloted ang mapeh time para sa practice sa carolfest. sa comsci nag hands-on lang kami. haha. sa finite naglong test kami na napakahirap. jusko po. bat pa kasi may ganiang subject. grrr. huma wala lang din. :))

carolfest na nga. at hayun kinompleto pa namin ung buong kanta sa araw na nga presentation. hahaha. jusko po. di namen maxadong memorize ung lyrics kaya mejo nalito kami. pero ayos lang yan. at least 4th kami. HAHAHAHA. kahit di kami qualified sa finals. sayang carol of the bells pa naman ung gusto kong kantahin ng franklin kung sakaling umabot man kami sa finals. amp.

so ayun na. nung tapos na ang lahat, nawindang ako kasi inaasikaso pa namen ni dayrit ung project sa finite. tapos ung isa naman naming kagroup napakagaling. di kami tinulungan. KILALA MO KUNG SINO KA. wlangya ka. habang nasa rob ka kami ni dayrit halos maloko na sa kahahanap ng paraan makapagpasa lang ng project. pero di pa rin namen nagawa. HAHA. kasama ko sila BIEN, RAISSA, TRINA, KARLA, NURIKO, ELAINE, THAD, at BURI sa kfc. kumain kami at nagchikahan ng halos dalawang oras mahigit. haha. saya nga eh.

mejo nagtatampo rin ako sa aking beloved franklin boys. haha. [drama lang]. kasi [siguro] hindi nila ako hinintay or hinanap man lang eh alam naman nilang sasama ako sa rob. susunod kasi dapat ako after kumain with linnae eh since umalis na sila agad, di ko na nasabi. kpag kasi sila naman iniintay namen. nag-aabang pa nga kami minsan sa entrance ng rob at nagkikita-kita dun. pero sino nga ba naman ako diba. hehe. hayaan na. drama lang. (^_~)

TODAY

10 na ako gumising. pagkagising xempre harap na agad sa pc. haha. inayos ko ang aking deviantart, nagbasa ng latest chapter ng naruto sa new and improved narutocentral at kung anu-ano pa. ang boring dito sa bahay amp. gusto ko gumala kaso nag-iipon pako para sa pasko eh. ayieee. haha. ^^ bigla ko tuloy naisip na bigyan ng special gift si tooot. haha. oo nga nu. bat ba di ko naisip un. ALAM NA. haha. natulog ako ng tanghali at nagmeryenda tapos naligo na. after nun heto ginawa ko na tong post na to. un lang. sa susunod ulit. HAHA.

Currently listening to: I Knew I Loved You- Savage Garden

tinry ko nga rin palang tignan kung ano ang ibig sabihen ng arvin shane sa urban dictionary. SAKTO! TAMANG-TAMA ANG DESCRIPTION. IT FITS ME YE KNOW. HAHAHAHAHAH!joke lang. [KAPAAAAAAAAL!] heto na xa!


Wednesday, November 19, 2008
KILIG

bago ang lahat, isasarado ko na ang blog na ito mula sa mga bagay na tungkol sa mga haters and the like-- kasi sumisikat na sila maxado. hahaha. tama na ang isang post para sa kanila. anyways, anu ba mga nangyari ngayon? heto na.

english- wala nagbasa lang ng story. nagtest about vocabulary ekek. haha. physics- NIGHTMARE. napahiya ako sa franklin dahil kay imman. dinadaldal niya kasi ako. at dumadayo pa sa likod ko kaya napagalitan kami ni mam. HAHA. XD adchem- nagperiodic test kami. hahaha. gudlak nlng sa scores naten guys. pwahahaha. buti nlng kahit papano katabi ko si allan g. tle- gumawa na naman ng isang plate tapos nagsandpaper ng board. [kumain lang ako nun actually--nakita pa nga ako ni TRINA eh. haha. ^^] math- nagcheck ng assignment. [as usual, gumawa ako on the spot. haha.] lunch- wala nmn nangyari. as usual lang meron kaming taong iniwasan. hahahaha. [onti lang kinain ko at uminom ako ng fit n right. ang bilis ng epek. sumexy na agad ako. HAHAHA. diba trina? haha. XD] MAPEH, huma, eco- tambay/practice mode. haha. ewan ko lang sa huma pero wala ung mga guro namen sa mapeh at eco. haha. XD filipino- nagsagot ng student time. hahahaha. un lang.

tapos lumabas kami ng skul para kumain ng fried rice. tapos bumalik para magpraktis. mga 5:30 na siguro kami nakaalis ng skul nun. kasama ko umuwi si raissa landi at imman the elf. HAHA. kidding.

kasalukuyang may confe kaming mga franklin boys. tadtad ng mura xempre. jusko po. haha. o.p. nga ako eh kasi basketball pinag-uusapan nila. haha. at sa mga nababasa ko parang galit na galit sila kay joseph yeo. haha. anyways, merong kalandiang nangyari kanina. haha. eto naaaa~

chineckan ko paper niya kaninang physics. eh mejo mababa ung score nia [lahat pala halos mababa. ako nga highest eh thanks to dan. HAHA.] eh xempre mabaet ako so tinaasan ko score nia. nung binigay ko na sa kanya ung papel sabi ko "ui dapat score mo 5 lang. kaso ginawa ko nlng 10. haha. tinaasan ko nlng. ^^". sabi nia "wow, ang baet namannnn. *with matching smile." hahahaha. wala lang. natuwa lang ako. masama ba? haha. pero wala lang un. HAHA. kalandian ko lang. at least mejo nagiging ok na tlga kami. ^^

un na muna. haha. gudnyt!

Always Be My Baby- MC

Tuesday, November 18, 2008
PASABOG

KAHAPON.

anu nga ulit nangyari kahapon? hmm. wala lang pumasok ako sa skul. nagdiscuss si sir dumaual, pinagawa lang kami ng assignment ni mam katipunan, tumambay lang kami sa adchem [sinulat ko nga pala ung artifact ni JAKE. para kay JAYCEE. nako dami mo na utang na loob saken. haha. XD], gumawa nung task 1 sa tle, naglecture saglit kay mam diaz tapos binigay nia results ng LTs at MYE namen, napasarap ang lunch at tambay tapos nalate sa finite [ang brutal ni mam maybelline new york. haha.], magpapraktis dapat ng carolfest [i DONT know why nothing effin' happened], naglesson kay mam aniban, at nanuod ng napakagandang indie film nila JAYCEE, DAN, LARA, ALLAN G, Ma'am FAYLOGNA, at nakalimutan ko na ung iba. hehe. kaso ang init dun sa pinagpanuoran namin. ang dami pang mabaho. HAHAHAHA. XD [sama ko amp.]

umuwi ako mag-isa kahapon. [wag na itanong kung bakit. haha.] nung nakasakay nako sa trykie nakita ko si imman. haha. XD

KANINA.

tangina. pumunta ako ng school. at xempre todo damit pako. HAHAHAHA. tapos un pala, di tuloy ung praktis. tae ang saklap. buti nlng andun si diana at tinulungan ako. nakakabadtrip tlga. sayang ang pagod, pera at damit ko. HAHAHA. XD tapos nawalan nako ng pag-asa kaya nagrob ako mag-isa. hinanap ko kung andun ung iba kong classmate pero wala akong nakita dun. tapos sumakay nako ng bus at umuwi na.

nalaman ko na si dan at erald pala pumunta kina pao. waaaa. kasi akala ko aalis si pao kaya di nako pumunta sa kanila eh. haha. pero aus lang. hehe. si imman at J.A. din pala sumunod dun. amppp. haha.

pagdating ko sa bahay kumain ako ng napakarami sa sobrang gutom ko. tapos nakipagchat ako kay dan. [kaya nalaman kong nakila pao sila.] kay landot din nakipagchat ako. ahahaha. [as usual nagtsismisan.], at pati kay beybs. [jio].

napakarami naming napag-usapan. isa na jan ung link kung saan malalaman mo ang ibig sabihen ng pangalan mo. HAHAHA. XD ayan ung sabi saken oh. tgnan niu. HAHAHA. XD tapos nun, dito na papasok ang pinagkuhanan ng title ng post na to. HAHAHA. ang hater.

kilala na namin kung sino ang hater ni CLAUDINE at JIO. salamat na lamang sa friend ni faylogna na tga canada na marunong sa mga ekek sa i.p. address. eto ang aming mga nakalap na ebidensya:

1. ANG HATER AY TGA QUEZON CITY. parang may echos ang I.P. tracker na yan, nalaman ung location nung PC. at lumabas ay ang Quezon City. so malaking clue na un kasi onting tao lang nmn na tga masci ang nakarita dun.

2. KABATCH NATEN ANG TAONG ITO. "WOOSHHH "wowowee. galing tlaga ni harlequin. parang tinagalog mo lang ung nasa blog ni jio a. pwede ka nang translator ineng!congrats!"" ibig sabihen, avid fan din ni jio ang hater na to. haha. kasi minamanmanan nia ang blog ni jio at claudine. TAMA diba? haha. at sa pagkakatawag nia kay jio, mahihinuha mo na parang acquiantances sila ni jio. tama diba? HAHAHA. saka walang paggalang eh. as in kpag binasa mo ung sinabi nia kay faylogna tlgang masasabi mo na na "ay kabatch naten to." pramisss.

3. MAGALING MAG-ENGLISH ANG LOLA MO. HAHAHAHA. base sa mga pinagsasasabi niya sa blog ni jio, at base sa pagpuna niya sa isa pang hater ni jio [sa grammar. may pa grammar2 lessons pa siyang nalalaman], tlgang mahihinuha mo na batikang englisera ang lola mo. kung sinu man ung hula namen, tinignan namin ung blog niya. at siyempre nagulat ako. header pa lang panalo na ang lola mo. HAHAHAHA. pero nung binasa ko ung blog niya, tlagang halos mawalan nako ng dugo dito sa sobrang galing niya mag-english. malalaman mo naman tlga na iisa lang ung taong un sa pananalita nia eh. sa choice of words, sa dating nung pagkakasabi. at meron ding mga post ang lola mo na anti-emo [eh xa nga rin pa-emo eh. jusko.], na mean daw talaga xa ekek. hahaha. dun pa lang halata mo na. si jio rin wala sa links ng blog niya. eh MAGKAKLASE SILA NUNG THIRD YEAR EH. TAPOS PARANG HALOS XA NLNG UNG WALA DUN. ANG BAET BAET PA RAW DATI NG LOLA MO KAY JIO. PERO NGAUN... HAHA. SIGURO INGGIT LANG XA? hahahaha. anung ibig sabihen nun? aun naaaaaa.

basta. bisitahin niyo na lang ung blog niya tapos basahin niyo ang kanyang mga oh-so-perfect-english posts. tapos basahin niyo ung mga comments niya sa cbox ni jio. tapos kung naging kaklase mo na xa, mapapansin mo na siya ung taong mapagpuna sa grammar ng iba kasi nga magaling eh wala tayong magagawa jan. idagdag mo na rin ang LOCATION sa itaas. kung kilala mo xa, alam mo na sa QUEZON CITY XA NAKATIRA. kung kokontra ka man, cge magbigay ka pa ng ibang kabatch naten na nakatira sa qc tapos dagdag mo ung mga description sa taas. MERON KA PA BANG IBANG KILALA? hahahahaha.

nagtataka lang ako kung bakit mo ginagawa ung mga ginawa mo, promise. haha. bakit kaya di ka nlng nanahimik at sinarili mo nlng yang poot mo sa kanila? tutal di nmn kayo close at wala naman sila paki sayo? hahaha. dahil ba masyado kang magaling sa english at di mo matanggap na may mga taong hnde kasing galing mo? perpekta ka? naiinis ka sa mga emo/ emo-emohan pero sa tingin mo ba hindi ka ganon? eh sa header mo pa lang halata nang pa-emo ka eh. HAHAHA.

PARA SA ISANG TAO LANG TO. ISANG TAO LANG ANG MATATAMAAN DITO. AT IKAW UN ULTIMATE HATER. HAHAHAHA.

cge magtag ka sa cbox ko. awayin mo rin ako. ayos lang saken. kilala na naman kita eh. siguraduhin mo lang na di ka magpapakita saken sa skul kpag ginawa mo un kaso kakalbuhin ko yang ma-ala SANDARA PARK mong buhok!!! HAHAHAHAHA. XD un naaaaaaa.

[BAKIT AKO NAGPOST NG GANITO? WALA LANG. NAIRITA LANG AKO SA KANYA. MGA KAIBIGAN KO KASI UNG GINAGO NIYA EH. SAKA MAIGI NA UNG MALAMAN NIYA ANG PAGKAKAMALI NIYA BAGO PA MADAMAY UNG IBA KO PANG KAIBIGAN. KUNG ALAM MONG MEAN KA, TUMIGIL KA NA. BINANGGIT MO PA UNG SALITANG GOD JAN SA BLOG MO, EH IKAW LANG NMN ANG MAKAKACONTROL JAN SA PAGKAHATER/MEAN MO. WALA KAY GOD ANG PROBLEMA, DI DAPAT SI GOD ANG UMAKSYON JAN SA SAKIT MO KUNDI IKAW MISMO.]

guys sorry sa malanding post. haha. inimagine ko lang na ako ung nasa kalagayan ni claudine at jio. try niyo. magegets niyo ung significance ng post ko. haha. saka maiirita rin kayo ng todo. XD

Sunday, November 16, 2008
BANAL

blah
aun. so anung mga nangyari kanina? gumising ako ng maaga kanina para gawin yang malanding post sa baba. hahaha. tapos naligo and all para magsimba. [oha. tularan niu ako.] sa Greenbelt Church [St. Pio of Pietrelcina] kami nagsisimba kasi dun na kami nasanay. okay lang magtravel ng malayo para nmn kay God eh. naks. haha.

so ayun na. ang trapik papuntang maynila kanina grabe. so kahit maaga kami umalis mga 5 mins before the mass kami dumating dun. eh marami kasing nagsisimba dun, so kahit 5 mins early kami di pa rin un early kasi wala na kaming maupuan. so dun kami sa pinakalikod tapos umupo nlng dun sa may niluluhurang something. un na un. haha. di ko alam tawag dun eh. nung tapos na ung mass tapos palabas nako ng church, nagulat ako! nakita ko ang aking HON na si Velina Angela S. Bemida. akalain mo un?! haha. natuwa nga ako eh. kahit mejo malayo xa tlgang nag-effort ako para kalabitin xa. haha. so aun. after lumabas nagtaxi kami agad para pumunta sa seaside restaurants sa may macapagal avenue.

kumain kami sa isang hindi nmn sosyal na resto. actually ganito ung sistema dun. tawag ng mama ko dun DAMPA. ewan ko kung anu un. paglabas pa lang namin ng taxi kung sinu sino na ung humarang samin na nagsasabi "dito po ma'am/sir, dun po, diyan po" lahat na. haha. so nawindang ung nanay ko kasi rinding rindi na xa sa mga boses nung nang-aalok mga bakla pa nmn un so ang ingay tlga. haha. nung nakapili na kami, sinamahan ni mama ung staff ng resto sa katabing palengke para mamili ng ingredients sa mga pinili naming ulam. kasi pala ung mga resto dun tiga luto lang sila. ikaw mismo bibili ng mga ekek sa pagkain. akalain mo un? haha. so tlgang fresh ung mga sahog ng ulam. ikaw pa mamimili. ahaha.

pagtapos pumunta nmn kami ng MOA para maglibot-libot saglit. dumaan sa starbucks para uminom. haha. ung katabi namen marami sila. meron silang ung parang coupon na nilalagyan ng stamp na pag napuno mo, meron kang free 2009 planner. gets nio? haha. meron nang isang ganun ung nanay ko. pagkaupo namen sa table sabi nia "be, bantayan mo ung coupon nila. mukhang malilimutan nila un eh. mukhang marami nang stamp oh. sayang." hahaha. jusko po. tinuruan pakong magnakaw. haha. pero ok lang yan. nung umalis na sila, nakalimutan nga. so ako naman hablot agad. tapos narinig ko sabi nung isa sa kanila "ui nalimutan ko ung ano.." xempre ako naman abot agad dun sa isa nilang kasama para kunyari walang nangyari. hahaha. juskoooo. nagthank you pa nga saken. ampppp.

tapos nun ayun bumili ako ng leche flan sa goldilucks bago umuwi kasi naalala ko ung leche flan ni Tita Pepper [Mum ni Miggy] na sobrang sarap. ahaha. slrpp.

end of story~

[xempre buong araw di nawaglit sa aking isipan si TSAA. HAHAHA. iniisip ko kung kumusta na ba xa, anung ginagawa niya, LAHAT NA. takte. argh. wala nakong masabi. ^^]

Currently listening to: I Stay in Love- MC [newest single niya. oha.]

Saturday, November 15, 2008
ARBIN=LANDI

magtatagalog na nga ako. haha. nakakanosebleed lang kpag english eh. saka mas mailalabas ko ang aking mga saloobin kpag sarili kong wika ang ginamit ko. [oha.]

marami siguro sa inyo ang nagtataka kung bakit nga ba wishingyouknew ang url/title etc ng blog ko. may history yan boi. HAHA. kasi ganito yan. itong blog na to kasi gagawin ko para kay ano...[ayie!] haha. itago nlng natin xa sa pangalang TSAA. isa siyang babaeng talaga namang kinababaliwan ko ngayon. kaso nga lang, di na kami ganun kaclose kasi nga nagalit siya sa akin [ewan ko kung bakit.]. pero ok naman na kami ngayon. mejo nagpapansinan na rin kahit papano. HAHA. at least diba. so ayun na. lahat sana ng mga gusto kong sabihen sa kanya dito ko ilalagay. lahat ng mga nararamdaman ko, naiimagine ko, ang kunyaring storya namin, lahat na. HAHA. kaso nga lang ang problema, di niya malalaman lahat yun. kasi wala nmn akong balak sabihen sa kanya tong blog ko saka anu bang paki niya dito diba. haha. ayun. dun na pinanganak ang mga linyang "wishingyouknew". bakit? kasi nga lahat ng mga sasabihen ko dito tungkol sa kanya/samin sana alam niya. gets? HAHA. tangina ang landi ha. XD

so ayun na. grabe talaga ung nararamdaman ko para kay TSAA. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. kasi ung sa mga dati kong relasyon-- oops. wag na. HAHA. iba talaga eh. as in. tinutulungan na nga ako ng aking mga beloved FRANKLIN BOYS para gumawa ng moves/pormahan na si TSAA kaso nga lang nahihiya tlga ako. HAHA. di ko siya kayang kausapin ng diretsahan. actually kung hindi nga dahil kay JAYCEE di kami magpapansinan ulit. kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya saka sa iba pang FRANKLIN BOYS. as innn. okay na ung nag-uusap ng kahit konti kesa nmn wala diba. HAHA. natatakot tlga akong gumawa ng move kasi baka di na naman niya ako pansinin. kasi alam niyo ba na hindi kami nagpansinan for i think more than a month or two? grabe. nawalan na nga ako ng pag-asa nun eh. kaso buti nlng anjan mga kaibigan ko. HAHA.

bago xa magalit sa akin nun, magtatapat na sana ako. may plano na. HAHA. kasi ung close friend niya, itago na lang natin sa pangalang MINA, tinutulungan talaga ako. tapos botong-boto raw xa sa akin para kay TSAA kasi nga halos nasa akin na ang lahat. [KAPAAAAL!]. joke lang. ayun kinuwentuhan niya ako ng mga bagay-bagay tungkol kay TSAA. meron din xang nakuwentong mga negative tungkol kay TSAA pero okay lang un. HAHA. so ang plano namen, pupunta kami ng Rob. Mendel girls kunyari with my very beloved bestfriend Miss Chryzl Joyce Dawa Pilapil. eh xempre nga BFFs kami ni landot, kaya kunyari nakiepal lang ako. HAHA. tapos aun magpapareserve sana ako ng cake, xempre gusto ko ung bongga. tapos may nakasulat daw "[insert name here], i think i'm falling in love with you. can you be mine?" AYPUTAAAAAAA. HAHAHAHA. kalandian lang yan. PLANO lang yan. teka lang. haha. kunyari kakain kami sa mcdo/jollibee/kfc tapos kunyari aayain ni MINA si TSAA sa C.R. tapos pagbalik nila andun na ung cake. HAHA. and another thing, gusto pala ni TSAA ng blue na rose, so dapat din bibili ako nun. tapos kunyari ikakalat ko sa table ung petals, tapos meron ding bouquet xempre. o diba. HAHAHA. sweet na ba un? saglit lang. meron pang isa.

sabi naman ni Jaycee sakin, papuntahin ko raw xa sa paco park xempre sa tulong na rin ni MINA. tapos bago raw sila dumating mamulot daw ako ng mga petals sa paco park tapos sa sahig daw sa may gitna ng park isulat ko daw "I love you, [insert name here]. tapos kantahan ko raw xa. tapos wag ko raw kalimutan ung blue roses. HAHA. ang saya mag-imagine. kaso nga lang napurnada lahat kasi nga nagalit xa sakin. buti nlng di pako nakakabili kasi masasayang lang. pero may balak pa rin akong ituloy xempre. HAHA.

nakita niyo na? di ko ginawa sa ibang babae yan. sa kanya lang dapat kaso nga di natuloy. yaan mo na. marami pang chance. HAHA. hanggang dito nlng muna. masyado nang mahaba ang post ko. magsisimba pa kami mamaya. [naks. haha.]

Currently listening to: I Wish You Knew- Mariah Carey

[ung mga i wish you knew ekeks sa blog ko nakuha ko un sa mga kanta ni Mimi. haha. XD]

Friday, November 14, 2008
BUSY WEEK

im sorry for not being able to post something here. i've been busy this week because of our practice in Mardi Gras project/presentation. the first thing i will do is to create a presentable self-made layout. haha. im looking forward to posting more things here after i have finished my layout. sorry for the delay and expect some difference in my blog after a few days. thanks. ^^